dzme1530.ph

KAUNA-UNAHANG BABAENG PRIME MINISTER, ITINALAGA NG HARI NG MOROCCO KASUNOD NG ELEKSYON

Loading

Inappoint ni King Mohammed VI si Fatima Ezzahra El Mansouri bilang kauna-unahang babaeng Prime Minister  El Mansouri sa Morocco matapos manguna ang liberal-centrist party nito sa Sept. 23 parliamentary elections, ayon sa Royal Palace.

Inatasan ng hari si El Mansouri na bumuo ng bagong pamahalaan.

Ang Authenticity and Modernity Party (PAM) ni El Mansouri ay nilikha noong 2008 ng isang adviser ng hari at simula noon ay ipinosisyon nito ang sarili bilang counterweight sa Islamist Justice and Development Party na nagsusulong ng social modernisation at secular-leaning views.

Sa ilalim ng Konstitusyon ng Morocco, ang hari ang nagtatalaga ng pinuno ng pamahalaan mula sa political party na nanalo sa pamamagitan ng pinakamaraming seats sa House of Representatives.

About The Author