![]()
Hindi matutuloy ang solo concert ni Moira Dela Torre sa SM Mall of Asia Arena sa Linggo.
Inanunsyo ng concert promoter na Ovation Productions na ang “Moira: Where It All Started,” na orihinal na itinakda sa Oct. 4, 2026, ay postponed sa susunod na taon.
Humingi ng paumanhin ang promoter para sa anumang abala na maaaring idulot ng pagpapaliban sa concert.
Hindi rin tinukoy ng Ovation Productions ang dahilan kung bakit iniurong ang show.
Nakasad din sa statement na iaanunsyo nila ang karagdagang detalye hinggil sa bagong dates at iba pang updates sa solo concert ni Moira.
