dzme1530.ph

ALAMIN KUNG ANO NGA BA ANG MAS HEALTHY, BROWN SUGAR O WHITE SUGAR?  C

Loading

Madalas ituring na mas healthy ang brown sugar kaysa white sugar dahil may molasses ito at mas dark ang kulay.

Pero sa usapin ng nutrisyon, magkapareho pa rin silang pangunahing source ng added sugar.

May kaunting minerals na matatagpuan sa brown sugar dahil sa molasses, pero napakaliit ng dami nito upang maging makabuluhang benepisyo sa kalusugan.

Kapwa maaaring magpataas ng blood sugar ang brown at white sugar kapag nakonsumo nang marami.

Kaya mas mahalaga ang dami at dalas ng pagkonsumo kaysa sa pagpili lamang sa kulay ng asukal.

Pinapayuhan ang publiko na limitahan ang mga pagkain at inuming mataas sa added sugar at mas piliin ang mga pagkaing mayaman sa nutrients para sa mas balanseng diet.

About The Author