![]()
Binebenta ni Glaiza de Castro ang kanyang holiday home sa Baler, Aurora, walong taon matapos niya itong bilhin.
Sa kanyang social media post, kamakailan, ibinahagi ng aktres na nagpasya siya at kanyang pamilya na ibenta ang property, kasabay ng kanilang pagharap sa bagong kabanata ng kanilang mga buhay.
Binigyang-diin ni Glaiza kung paano naging place of celebration ang kanilang holiday home at ang lugar kung saan nila natagpuan ang kanilang kapayapaan sa panahon ng pandemya.
Inihayag ng aktres na panahon na para ipasa niya ang memorable moments na nilikha niya sa kanilang property sa bagong may-ari.
Umaasa rin si Glaiza na makita rin ng susunod na owner ang kaparehong potential at warmth na natagpuan ng kanilang pamilya sa naturang property.
