![]()
Nagsilbi si Sen. Bam Aquino bilang sponsor ng resolusyon na kumikilala sa “Kings of P-Pop” na SB19 para sa makasaysayang pagtatanghal sa Lollapalooza Chicago 2026 at sa ambag ng grupo sa pagpapaunlad ng creative industries ng bansa.
Sa kanyang sponsorship speech para sa Senate Resolution No. 545, pinuri ni Aquino ang SB19 na binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin, bilang unang homegrown Filipino act na nagtanghal sa Lollapalooza noong July 30 sa Grant Park sa Chicago.
Dumalo ang grupo upang tanggapin mula kay Aquino at sa iba pang mga senador ang adopted Senate resolution.
Binigyang-diin din ni Aquino ang pag-usbong ng SB19 mula sa kanilang “Go Up” days hanggang sa pagtatanghal sa ilan sa pinakamalalaking entablado sa mundo, na tumulong upang mailagay ang Pilipinas sa pandaigdigang music scene.
Dagdag ng senador, patunay ang tagumpay ng SB19 sa malaking potensyal ng creative industries sa bansa na lumikha ng trabaho, magbukas ng mga oportunidad, at palakasin ang presensya ng kulturang Pilipino sa buong mundo kapag nabibigyan ng sapat na suporta at mga pagkakataon.
