dzme1530.ph

ALAMIN KUNG BAKIT HINDI DAPAT IPAGWALANG BAHALA ANG IREGULAR NA TIBOK NG PUSO

Loading

Nagbabala ang mga eksperto na ang iregular na tibok ng puso o arrhythmia ay maaaring maging senyales ng isang seryosong kondisyon sa puso.
 
Kabilang sa mga karaniwang sintomas ang biglaang palpitasyon, mabilis o mabagal na tibok ng puso, pagkahilo, hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib, at minsan ay pagkahimatay.
 
Maaaring maiugnay ito sa mataas na presyon, sakit sa puso, problema sa thyroid, o sobrang pag-inom ng kape at iba pang stimulants.
 
Pinapayuhan ang mga nakararanas ng paulit-ulit na iregular na tibok ng puso na magpatingin agad sa doktor.
 
Ang maagang pagpapasuri at tamang gamutan ay makatutulong upang maiwasan ang mga komplikasyon tulad ng stroke at heart failure.

About The Author