![]()
Inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Acting Chairman Greg Pua Jr. na posible ang rollback sa pamasahe sa Public Utility Vehicles kung bababa o magiging stable na ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Pua na magsasagawa sila ng ebalwasyon sa mga petisyon na ibaba ang pamasahe.
Ipinaalala ng opisyal na nagawa na nila ito noong 2018 nang bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Epektibo kahapon, ipinatupad ang ₱14 ang minimum fare sa traditional jeepneys habang ₱17 sa modern jeepneys.
Ipinatupad ang fare hike bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa tensyon sa Middle East.
