![]()
Beripikahin ng mga awtoridad ang mga alegasyon ni dismissed police officer Rodulfo Gracioso Jr. laban sa mga Duterte bago tanggapin ang mga paratang bilang katotohanan.
Pahayag ito ni Interior Secretary Jonvic Remulla, kasabay ng pagbibigay-diin na hindi naman puwedeng agad tanggapin ang mga alegasyon nang hindi sinusuri.
Isasailalim aniya si Gracioso sa mahigpit na proseso ng imbestigasyon para matukoy kung totoo talaga ang mga sinasabi nito.
Idinagdag ng kalihim na pag-aaralan din niya ang background ng dismissed police officer.
Kinumpirma ng PNP na dating naka-assign si Gracioso bilang security detail ni noo’y House Speaker Lord Allan Velasco at dinismis ito sa serbisyo nito lamang Sept. 11, 2026.
Lumitaw si Gracioso noong nakaraang linggo at isiniwalat na nag-deliver siya ng mga maleta na naglalaman ng cash kina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, alinsunod sa utos ni Velasco.
