dzme1530.ph

Chopper na ginamit sa pagtakas ng mga salarin sa Degamo slay, pag-aari ni suspended Cong. Arnie Teves

Itinakas sa pamamagitan umano ng helicopter na pag-aari ni suspended Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ang mga pumaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo matapos isakatuparan ang krimen noong March 4, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ibinunyag ni Remulla na sa pamamagitan ng chopper ay inilipad mula sa Negros Oriental patungong Maguindanao ang mga salarin.

Sinabi ng kalihim na ang helicopter na subject ng search warrant ay natagpuan sa isang Hangar sa Dumaguete.

Inihayag ni Remulla na isa rin ito sa mga bagay na makapagpapaniwala na mayroong kinalaman ang suspendidong kongresista sa krimen dahil chopper mismo nito ang ginamit ng mga salarin upang makatakas.

About The Author