dzme1530.ph

3,148 kaso ng COVID-19 mula Abr 17-23, naitala; daily average cases tumaas ng 32%

Tumaas ng 32% ang daily average cases ng Covid-19 sa bansa sa nakalipas na linggo.

Sa datos, karagdagang 3,148 kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health, mula Abril 17 hanggang Abril 23.

Ayon sa kagawaran, ang average daily cases ngayong linggo ay nasa 450 mas mataas kumpara sa 341 kaso na naitala noong April 10 hanggang 16.

Kahapon, nakapagtala ang DOH ng 429 new Covid-19 cases.

Bumaba naman sa 4,336 ang aktibong kaso matapos makapagtala ng 750 recoveries, habang nananatili sa 66,444 ang Covid-19 fatalities, matapos walang maitalang panibagong nasawi dahil sa virus.

About The Author