![]()
Bibisita muli sa Pilipinas ang South Korean actor na si Lee Je-hoon, ang bida sa revenge series na “Taxi Driver,” sa Nobyembre para sa isang fan meeting.
Sa Facebook post ng local producer ng event na All Access Production, dadalhin ng 42-year-old actor ang kanyang “OR 20TH MOMENT” fan meeting tour sa bansa sa Nov. 7.
Nakasad sa post na gaganapin ang event sa World Trade Center Tent sa Pasay City.
Una nang nagsagawa si Je-hoon ng fan meeting sa Manila noong 2023.
Bukod sa “Taxi Driver,” kabilang sa kanyang notable series ay ang “Signal,” “Where Stars Land,” at “Move to Heaven.”
