dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, HINAMONG MAGLABAS NG EBIDENSYA NG UMANO’Y HARASSMENT SA PAGHAHAIN NG WARRANT OF ARREST LABAN SA KANYA

Loading

Hinamon ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang kampo ni Vice President Sara Duterte na magpakita ng ebidensya ng umano’y police harassment sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa kanya.
 
Sinabi ni Remulla na walang naka-deploy na tauhan ng Special Weapons and Tactics at walang armed component sa pagsisilbi ng warrant of arrest.
 
Ipinaliwanag ng kalihim na pawang unarmed ang mga tauhan ng pulisya na nagtungo sa kanyang bahay at tanggapan.
 
Hamon pa ng kalihim na ipakita ng kampo ng Bise Presidente ang CCTV footages sa kanyang tahanan at opisina para makita kung may naganap na harassment. 

About The Author