dzme1530.ph

DALAWAMPU’T LIMA, NASAWI SA NAAKSIDENTENG BUS SA CAPE VERDE

Loading

Hindi bababa sa dalawampu’t lima, na karamihan ay mga bata at teenagers, ang nasawi sa naaksidenteng bus sa Fogo Island sa Cape Verde.
 
Ayon sa head ng Civil Protection sa Sao Filipe City, ilan sa mga nasugatan sa naturang aksidente ay nasa seryosong kalagayan.
 
Sinasabing bihira ang ganitong insidente sa West African archipelago, kung saan maganda ang kondisyon ng mga kalsada.
 
Batay sa imbestigasyon, lulan ng bus ang tatlumpu’t dalawang pasahero nang lumihis ang sasakyan sa kalsada at nahulog sa malalim na bangin habang pabalik sa Sao Felipe matapos ang excursion sa Cha das Caldeiras Village sa loob ng Pico do Fogo volcanic crater.

About The Author