dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, INISYUHAN NG ARREST WARRANT DAHIL SA KASONG GRAVE THREATS, AYON SA KANYANG ABOGADO

Loading

Naglabas ng Quezon City Court ng warrant of arrest laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa kasong grave threats, ayon sa kanyang abogado.
 
Sinabi ni Atty. Paul Lawrence Lim na anuman ang katanungan hinggil sa hurisdiksyon, walang intensyon ang Bise Presidente na takasan ang batas at patuloy nitong gagamitin ang lahat ng legal remedies.
 
Noong Agosto ay naghain ang Department of Justice ng three counts of grave threats laban kay VP Sara, at may itinakdang piyansa ang korte na ₱120,000 per count.
 
Una nang inihayag ni Lim na sa kanilang pananaw, hindi na dapat kinakaskuhan ng kriminal si VP Sara, gaya ng isinampa sa kanya, dahil siya ay impeachable official.
 
Nag-ugat ang kaso mula sa pahayag ni Duterte sa online briefing na may nakausap siyang tao para patumbahin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at noo’y Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinaslang.

About The Author