dzme1530.ph

KOPYA NG BANK AT TAX RECORDS NG MAG-ASAWANG VP SARA AT ATTY. MANS CARPIO, NATANGGAP NA NG HOUSE PROSECUTION

Loading

Natanggap na ng House Prosecution mula sa Senate Impeachment Court ang kopya ng sinubpoena na bank at tax records ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty. Mans Carpio.
 
Ito ang inanunsyo ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, ang prosecutor na itinalagang humawak sa Article of Impeachment sa umano’y unexplained wealth.
 
Sinabi ni Ridon na sa mga susunod na araw ay pag-aaralan at bubusisiin nila ang lahat ng mga dokumento na siyang bubuo sa huling mahalagang ebidensyang gagamitin para sa unexplained wealth article.
 
Inihayag ng House Prosecutor na naghahanda na ang kanyang team para sa presentasyon ng mga ebidensya sa kalagitnaan o sa huling bahagi ng Setyembre.
 
July 30 nang pormal na tanggapin ng Senate Impeachment Court ang financial at tax records nina Duterte at Carpio kaugnay sa ongoing impeachment trial ng Bise Presidente.
 
Kasabay nito ay ang pagtanggap din ng korte ng documentary evidence mula sa Anti-Money Laundering Council.

About The Author