![]()
Magsusumite ang Department of Education (DepEd) ng proposed Executive Order (EO) para sa modernized class suspensions and resumptions sa basic education.
Ito’y matapos aprubahan ng Social Development Committee Cabinet Cluster ang proposal para sa revised measure sa ilalim ng EO No. 66, Series of 2012, kasunod ng presentasyon ni Education Secretary Sonny Angara.
Sa statement, sinabi ni Angara na layunin ng proposal na pagtibayin ang learning continuity sa pamamagitan ng granular approach sa suspensyon at pagpapatuloy ng klase.
Simula June 8 hanggang Aug. 31 lamang, nakapagtala ang DepEd ng 20 to 40 days ng instructional loss bunsod ng in-person class suspensions dahil sa masamang panahon at mga sakuna.
Sa ilalim ng proposed EO, tatlong decision-making mechanisms ang bubuuin para makagawa ng desisyon na nakabatay sa tiyak na lokasyon, sa ilalim ng koordinasyon ng lokal na pamahalaan.
Sakop nito ang automatic suspension batay sa national technical threshold, localized class suspension na ibabase sa desisyon ng local chief executives, at granular o mas detalyadong pagsususpinde at pagbabalik ng mga klase.
