dzme1530.ph

DOTr, NANGAKONG MAGIGING OPERATIONAL ANG 12 STATIONS NG MRT-7 SA 2ND QUARTER NG 2027

Loading

Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) sa kanilang target na buksan ang 12 stations ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) pagsapit ng June 2027.
 
Kasama sa plano ang pag-rollout ng safety barriers at iba pang improvements sa existing stations bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng mga pasahero.
 
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, on track ang 12 stations mula Sacred Heart sa Caloocan hanggang North Avenue Joint Station sa Quezon City upang maging operational sa ikalawang quarter ng susunod na taon.
 
Ang natitirang dalawang istasyon na kinabibilangan ng Tala at San Jose, Del Monte, ay inaasahan namang makukumpleto at bubuksan sa riding public sa 2028, na siyang kukumpleto sa 22-kilometer railway.
 
Ang MRT-7 ay dudugtong sa MRT-3 sa EDSA, sa pamamagitan ng Common Station, at inaasahang magpapataas pa sa ridership ng iba pang linya ng mga tren.

About The Author