![]()
MULING tiniyak ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sasampahan nila ng kaso kaugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects si dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa panayam sa Senado matapos sumalang sa budget hearing, sinabi ni Remulla na hindi naman sila tumitigil at sa mga susunod na panahon ay lalabas na ang kanilang desisyon kaya’t relax lamang anya ang lahat.
Sa ngayon anya ay marami pa silang tinatapos na pangangalap ng mga detalye at ebidensya dahil dapat anya nilang matiyak na hindi mahina ang kasong kanilang maihahain.
Binanggit ni Remulla na sobrang maraming pera ang dating House Speaker at marami ring abogado at hindi siya magtataka kung maging ang media ay alukin ng kung anu-ano.
Kinumpirma rin ni Remulla na balewala ang recantation o pagkambyo ng mga naunang testigo laban kay Romualdez.
Maliit lamang anyang bahagi ito sa kaso at pinaiingay lamang ng mga abogado.
