![]()
UMAPELA si Senador Bam Aquino sa gobyerno na pag-aralan na ang tuluyang pagtanggal ng 12% VAT sa residential electricity upang maibaba ang singil sa kuryente.
Ito ay sa gitna ng isinusulong na pag-aalis ng system loss charge na bumubuo ng halos lima hanggang anim na porsyento ng singil sa kuryente.
Sinabi ni Aquino na maaaring magbigay ng mas malaking ginhawa sa mga consumer ang panukala kasabay ng mga hakbang na alisin ang system loss charges sa electricity bill.
Una nang inihain ni Aquino ang Senate Bill 266 na layung gawing exempted sa VAT ang pagbebenta ng kuryente ng mga kumpanyang nasa generation, transmission at distribution gayundin ng mga electric cooperative.
Layun din ng panukala na gawing exempted sa VAT ang mga serbisyo ng mga franchise grantee ng mga electric utility.
