![]()
Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na mayroong sapat na gamot para sa mga pasyenteng tinamaan ng leptospirosis sa gitna ng paglo-bo ng kaso kasunod ng mga pag-ulan dulot ng habagat.
Sa House Budget Hearing, sinabi ni DOH Secretary Edwin Mercado na nagpamahagi na ang ahensya ng leptospirosis medicines sa buong bansa bago pa man magsimula ang tag-ulan.
Aniya, mayroon pang hindi bababa sa 3.1 million capsules na nananatili sa kanilang central warehouse na sapat na buffer para sa mga natitirang buwan ng taon.
Para sa 2027, naglaan ang DOH ng 9.76 million pesos para sa pambili ng 4.88 million capsules ng gamot laban sa leptospirosis.
Samantala, sa kasalukuyan, sinabi ni Dr. Marc Steven Capungcol, Chief ng DOH Health Emergency Management Bureau, na mayroong 526 admissions at 33 pending admissions ng leptospirosis patients sa DOH hospitals sa Metro Manila.
