![]()
Isiniwalat ni Elijah Canlas na hiwalay na sila ni Miles Ocampo, kasabay ng paglilinaw na walang involved na third party sa kanilang breakup.
Ginawa ng aktor ang kumpirmasyon sa pamamagitan ng interview sa YouTube vlog ng showbiz insider at manager na si Ogie Diaz.
Sinabi ni Elijah na gaano man niya panatilihing pribado ang kanyang estado ay mayroon pa ring lumabas na impormasyon tungkol sa paghihiwalay nila ni Miles.
Aniya, bagaman nagbalikan sila at ibinigay ang lahat ng kanilang makakaya para maipagpatuloy ang kanilang relasyon ay nauwi pa rin sila sa maayos na hiwalayan.
Inamin ni Elijah na masakit ang kanilang paghihiwalay dahil wala naman silang problema pero na-realize nila na baka hindi na talaga sila match.
