dzme1530.ph

MILYONG PISONG HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA ISANG HIGH-VALUE INDIVIDUAL NA TULAK NG DROGA SA BATANGAS CITY

Loading

Arestado ang isang suspek na itinuturing na High-Value Individual (HVI) sa kalakalan ng iligal na droga sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Office of the Provincial Director-Drug Enforcement Unit/SOU at Batangas City Police Station ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa Barangay Alangilan, Batangas City, bandang alas-8:30 ng gabi araw ng Martes, September 1, 2026.
 
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jomel,” 31 taong gulang, may asawa, nagtatrabaho bilang delivery rider at residente ng Tondo, Manila.
 
Ayon sa report na ipinadala sa opisina ni Batangas Police Provincial Director, Police Colonel Oliver B. Ebora, nadakip ang suspek matapos na mahuli sa akto ng pagbebenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
 
Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱1,360,000.00, kasama ang ₱300,000 buy-bust money, isang cellphone, ₱500 cash money at isang motorsiklo na pagmamay-ari ng suspek.
 
Nasa kustodiya na ngayon ng Provincial Drug Enforcement Unit ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About The Author