dzme1530.ph

HALOS 70 BILLION PESOS, INILAAN NG DBM PARA SA RICE PROGRAMS NG PAMAHALAAN SA ILALIM NG 2027 NATIONAL BUDGET

Loading

Ipinanukala ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalaan ng 69.9 billion pesos na pondo para sa tatlong major rice programs sa ilalim ng 7.2-trillion peso National Expenditure Program (NEP) para sa 2027.
 
Sinabi ng DBM na hinati nila ang proposed allocation sa National Rice Program, 29.9 billion pesos; Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), 30 billion pesos; at Rice Program for All Program, 10 billion pesos.
 
Inihayag ng Budget Department na ang alokasyon ay repleksyon ng suporta ng pamahalaan sa buong rice value chain, mula sa mga binhi, farm inputs and machinery hanggang sa irigasyon, pati na sa credit and training para sa mga magsasaka.
 
Idinagdag ng ahensya na nananatili ang food security sa highest priorities ng administrasyon habang isinusulong ang goal na maabot ang zero hunger pagsapit ng 2030.

About The Author