dzme1530.ph

MARIKINA CONG. MARCY TEODORO, HINIKAYAT ANG MGA KASAMAHAN SA KAMARA NA IPASA ANG CADENA

Loading

Hinimok ni Marikina City 1st District Rep. Marcy Teodoro ang kanyang mga kasamahan sa Kamara na gawing prayoridad ang pagpasa sa Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act.
 
Layunin ng panukalang batas na palakasin ang transparency at pananagutan sa mga proyekto ng pamahalaan, sa harap ng paglubog sa baha ng ilang bahagi ng Central Luzon at National Capital Region (NCR) nitong mga nakaraang linggo.
 
Sinabi ni Teodoro na dapat ay kabilang ang CADENA Act sa priority bills na isusulong ng mga mambabatas dahil itataguyod nito ang higit na transparency sa paggamit ng pambansang budget at titiyakin na napupunta ang pera ng taumbayan sa itinakdang layunin nito.
 
Binigyang-diin ni Teodoro na kailangang magtulungan ang mga mambabatas upang matiyak na maisasabatas ang priority bills, gaya ng CADENA Act.
 
Ang bersyon ng CADENA Act sa Senado o Senate Bill No. 1506 ay aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa noong Dec. 15, 2025, sa botong 17-0, nang walang tumutol o nag-abstain.

About The Author