![]()
Naging mainit ang diskusyon sa pagitan ni Atty. Benjamin Jay Tolosa Jr. ng prosekusyon at ni Atty. Michael Poa bilang hostile witness.
Sumentro si Atty. Tolosa, na siyang nagsagawa ng direct examination kay Poa, sa mga impormasyong binayaran ng DepEd gamit ang confidential funds.
Inamin ni Poa na hindi lahat ng impormasyong binayaran ng DepEd ay naging matagumpay.
Si Poa ay nagsilbing Undersecretary ng Kagawaran ng Edukasyon, at Chief of Staff at spokesperson ni VP Sara nung ito pa ang Kalihim ng DepEd.
Isa sa pinagtuunan ng pansin ni Tolosa ay ang sinabi ni Poa sa pagdinig noong 2024 ng House Committee on Good Gov’t and Public Accountability na wala itong personal knowledge sa confidential funds.
Gayunman, ayon sa prosekusyon, bakit si Poa pa rin ang inatasan ni VP Sara na sumagot sa Audit Observation Memorandum o AOMs na inisyu ng COA.
Paglilinaw naman ni Poa, ang wala siyang personal na alam ay kung paano inoperationalized ang secret funds sa ground.
