![]()
Isinukonsidera ng House Prosecution Panel na huwag nang talakayin ang bribery case laban kay Vice President Sara Duterte sa impeachment trial laban sa kanya.
Ayon kay Public Prosecutor Rep. Joel Chua, posibleng dumiretso na sila sa pagtalakay sa umano’y unexplained wealth ng Bise Presidente matapos ang pagdinig sa umano’y misuse ng confidential fund.
Nilinaw naman ni Chua na wala pang pinal na desisyon sa kanilang aksyon.
Sinabi ni Chua na naniniwala silang sa dalawang articles na naisampa nila ay matibay na ang kaso para sa impeachment laban kay VP Sara.
Gayunman, hindi nila maaaring hindi talakayin ang unexplained wealth issue dahil inaabangan ito ng publiko.
Sinabi ni Chua na posibleng matapos na ang impeachment trial bago matapos ang Disyembre.
Sa pagtataya ni Chua, maaaring unang linggo ng Oktubre ay matapos na ang prosekusyon habang hanggang Nobyembre naman ang presentasyon ng defense panel.
