![]()
NANAWAGAN si Sen. Joel Villanueva sa pamunuan ng North Luzon Expressway o NLEX na ikunsidera ang refund ng toll fees para sa mga motoristang matagal na na-stranded dahil sa matinding pagbaha sa San Simon, Pampanga.
Iginiit ni Villanueva na umabot sa sampung kilometro ang traffic kung saan may ilang ang umabot sa 22 oras sa kalsada.
Hiniling din niya sa NLEX Corporation na tiyaking nabibigyan agad ng tubig, pagkain, portable toilets at medical assistance ang mga na-stranded.
Ayon kay Villanueva, hindi na bago ang pagbaha sa San Simon.
Noong 2023, itinaas na anya ang bahagi ng expressway bilang medium-term solution, pero hindi ito naging sapat para matugunan ang paulit-ulit na pagbaha.
Binigyang-diin ng senador na kailangan ng malinaw, sapat na pondo, time-bound at permanenteng solusyon sa problema.
Pinatitiyak din ni Villanueva na magkakaroon ng mas malinaw na advisories, sapat na signages at traffic personnel kapag may road closures para sa rerouting ng mga motorista.
