dzme1530.ph

LIBRENG TOLL FEE MULA PULILAN, BULACAN HANGGANG SAN FERNANDO PAMPANGA, IPINATUTUPAD NG NLEX CORPORATION

Loading

Kinumpirma ng Department of Transportation na nagdesisyon ang North Luzon Expressway na i-waive ang toll fee mula Pulilan, Bulacan hanggang San Fernando, Pampanga at vice versa simula ngayong araw na ito.
 
Ito ay dahil sa patuloy pa ring pagbaha sa Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga.
 
Ayon sa DOTr, magpapatuloy ang libreng toll hanggang bumalik sa normal ang sitwasyon sa NLEX.
 
Sa gitna ito ng ilang araw nang mabigat na trapiko sa ilang bahagi ng NLEX dahil sa pagbaha.

About The Author