![]()
Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis, Maymay, at Neneng, pati ng habagat, ayon sa Office of Civil Defense.
Batay sa pinakahuling update kaninang 6 a.m., umakyat na sa tatlumpu’t apat ang death toll, kung saan pinakamarami ang nasawi sa Benguet na nasa labinlima.
Nakapagtala rin ng tig-apat na fatalities ang Rizal at Batangas, tatlo sa Caloocan, tig-dalawa sa Quezon at Occidental Mindoro habang tig-isa sa La Union, Pangasinan, Oriental Mindoro, at Negros Occidental.
Labinsiyam naman ang nasugatan habang tatlong iba ang nawawala dahil sa masamang panahon.
