![]()
Kinumpirma ni Col. Manaros Boransing II na hindi sila aware na ang certification na kanilang inisyu sa DepEd ay gagamitin sa COA.
Sa testimonya ni Col. Boransing, nailatag na may misrepresentation na nangyari sa hininging sertipikasyon ng DepEd sa AFP.
Ang sertipikasyon ay nagsasabi na matagumpay ang events ng Youth Leadership Summits (YLS), at 53 Information Education Campaign activities na ginawa noong 2023.
Natuklasan na ginamit ang certification sa COA at pinalabas na konektado ang DepEd sa aktibidad na naging matagumpay.
Umabot sa P15.54-M ang halagang ginugol umano ng DepEd mula sa kanilang confidential funds na ibinayad sa informants, surveillance at intelligence gathering.
Gayunman, malinaw na sinabi ni Boransing na walang partisipasyon o koordinasyon ang DepEd sa kanilang aktibidad, dahil matagal na nila itong ginagawa kahit noong hindi pa nakapuwesto bilang vice president si VP Sara.
