![]()
BINIGYANG-DIIN ni Senador Lito Lapid ang pangangailangan na magsagawa ng dredging operations sa Pampanga River upang masolusyunan ang malawakang pagbaha sa lalawigan.
Sinabi ni Lapid na patuloy na nakakaranas ng pagbaha ang maraming bayan sa lalawigan dahil sa pagiging catch basin nito.
Patuloy din ang pamamahagi ng tulong ng senador sa mga apektado ng kalamidad kung saan pinakahuli niyang binisita ay ang mga residente ng mga bayan ng Sto. Tomas, Sta. Ana at Arayat.
Tiniyak ng mambabatas na patuloy ang pag-ayuda sa mga kababayang hanggang ngayon ay lubog sa baha.
Noong nakaraang linggo ay namahagi rin ng food packs ang senador sa mga bayan ng Minalin, Macabebe, Masantol, Candaba, Sasmuan at Guagua, gayundin sa Hagonoy at Calumpit, Bulacan.
