![]()
Sa advisory ng PAGASA, as of 11 a.m., huling namataan ang Tropical Storm Pilandok 1,060 kilometers east ng extreme northern Luzon.
Halos hindi pa rin ito gumagalaw.
Taglay ng bagyo ng lakas ng hangin na 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 80 kilometers per hour.
Wala namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa alinmang bahagi ng bansa.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Pilandok sa Huwebes ng umaga.
