![]()
Mahigit tatlumpung barangay sa buong bansa ang delikado sa landslides at baha bunsod ng Tropical Depression Pilandok at southwest monsoon o habagat, ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and National Resources.
Sinabi ng MGB na 3,786 barangays ang nanganganib sa geohazards, simula Aug. 30 hanggang Sept. 2, batay sa rainfall forecast ng PAGASA.
Kabilang sa landslide- and flood-prone barangays sa Luzon ay matatagpuan sa Ilocos Region na nasa 2,235; sumunod sa Central Luzon, 718; Cordillera Administrative Region, 617; Cagayan Valley, 107; MIMAROPA, 87; at CALABARZON, 22.
Inihayag ng MGB na batay sa latest DOST-PAGASA 72-hour rainfall forecast, pinapayuhan ang mga residente sa mga naturang lugar at sa mga nakatira malapit sa mga ilog na mag-ingat at manatiling alerto sa banta ng masamang panahon.
