dzme1530.ph

STATE OF CALAMITY, IDINEKLARA SA PANGASINAN BUNSOD NG EPEKTO NG HABAGAT

Loading

Isinailalim ang Pangasinan sa state of calamity dahil sa matinding epekto ng habagat sa lalawigan.
 
Inihayag ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na ang deklarasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng Provincial Resolution No. 985-2026.
 
Sa pamamagitan nito, inaasahan ang mabilis na paghahatid ng tulong at implementasyon ng response and recovery measures sa mga apektadong komunidad.
 
Sa pinakahuling tala ng Office of Civil Defense (OCD) ngayong Lunes, lumoob na sa ₱6.16 billion pesos ang infrastructure damage dulot ng habagat habang ₱2.32 billion pesos ang pinsala sa agrikultura.
 
Ayon naman ay OCD Disaster Preparedness Service Director Vicente Gregorio Tomas, 724 areas ang binaha sa Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila, at CALABARZON.

About The Author