![]()
Bahagyang makakahinga ang mga motorista dahil sa ipatutupad na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, bukas.
Sasalubong sa unang araw ng Setyembre ang bumabang presyo ng oil products, matapos ang dalawang sunod na linggong price hike.
Ayon sa Department of Energy (DOE), mababawasan ng ₱3.83 ang kada litro ng diesel habang ₱0.32 sa gasolina.
Habang tatapyasan din ng ₱3.84 ang kada litro ng kerosene.
