![]()
Lumikha ang Department of Agriculture (DA) ng specialized office para palakasin ang koordinasyon, monitoring, at implementasyon ng rice development initiatives para sa national at local levels.
Ayon sa Department Order No. 26, pasisimulan ng Interim Rice Industry Development Office o Rice Office ang mga programa sa ilalim ng National Rice Program at ng Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Inihayag ng ahensya na sa pamamagitan ng hakbang ay matututukan ang pangangasiwa sa Philippine rice sector at maisasakatuparan ng D-A ang layunin nito ng mas epektibo.
Ang Rice Office ay pamumunuan ng Undersecretary for Rice Industry Development na hindi pa pinapangalanan.
