dzme1530.ph

ALEX EALA, NAKAMIT ANG NO. 17 HIGHEST GRAND SLAM SEEDING SA US OPEN

Loading

Nakamit ni Filipina tennis sensation Alex Eala ang No. 17 seeding sa US Open.
 
Ito ang kanyang highest seeding sa isang Grand Slam tournament, at makakaharap niya ang isang qualifier sa first round ng women’s singles draw.
 
Ginawa ang draw, kaninang umaga, oras sa Pilipinas.
 
Ang World No. 18 na si Eala ay seeded No. 29 sa Wimbledon habang unseeded siya sa French Open at Australian Open ngayong taon.
 
Hihintayin pa ng Pinay tennis star ang women’s qualifying tournament para malaman kung sino ang kanyang first-round opponent.
 
Sakaling umusad, makakaharap ni Eala kung sino ang mananalo sa match sa pagitan nina Oleksandra Oliynykova ng Ukraine at Reese Brantmeier ng America.

About The Author