![]()
Nagluluksa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ng kanyang aide-de-camp na si Major Ma. Joshua Santiago na inilarawan niya bilang “Soldier of Courage.”
Sa Facebook post, sinabi ni Pangulong Marcos na si Santiago ay matapang na sundalo na lumaban para sa bansa nang may dedikasyon at dangal.
Idinagdag ng Pangulo na karangalan niya na nakasama at nakilala niya ang pumanaw na aide-de-camp.
Nagpaabot din si Marcos ng pakikiramay at panalangin sa naulilang pamilya at mga kasamahang sundalo ni Santiago.
