dzme1530.ph

ESTUDYANTE, NATAGPUANG WALANG BUHAY SA UMAK

Loading

Kinumpirma ng University of Makati na isang walang buhay na estudyante ang natagpuan sa kanilang campus ngayong Biyernes.
 
Nakipag-ugnayan na ang UMAK sa pamilya ng estudyante, gayundin sa mga awtoridad para sa kaukulang imbestigasyon.
 
Tiniyak ng unibersidad ang kahandaan ng guidance counselors, trained faculties, at staff para magbigay ng suporta at psychological first aid sa mga miyembro ng UMAK community na nangangailangan ng assistance.
 
Kasabay ng pag-abot ng pakikiramay sa pamilya ng estudyante ay ang panawag sa komunidad na igalang ang privacy ng pamilya at huwag magpakalat ng mga espekulasyon.

About The Author