![]()
Posibleng magpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya batay sa Mean of Platts Singapore Trading at Foreign Exchange Averages sa nakalipas na apat na araw, posibleng umabot sa ₱3.50 hanggang ₱4 ang bawas sa bawat litro ng diesel.
Maaari namang mabawasan ng 25 centavos hanggang 75 centavos ang presyo ng bawat litro ng gasolina.
Ang posibleng rollback ay sa gitna ng mga senyales ng pagbabalik sa negosasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran para muling buksan ang Strait of Hormuz.
