![]()
Dysfunctional family ang isa sa tinitignang dahilan ng Department of Education kaya’t nahihikayat gumawa ng karahasan ang ilang kabataan.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Department of Education Assistant Secretary for Governance Operations Asec. Roger Masapol, batay sa pagsusuri sa ilang mga kaso ng karahasan sa paaralan, lumilitaw na ang mga sangkot ay mula sa problemadong pamilya.
Kasabay nito, umapela ang opisyal sa mga administrasyon ng paaralan na makiisa sa gagawin nilang active attack safety drill sa September 3.
Layunin anyá nito na maging handa ang lahat sa posibleng pag-atake sa mga paaralan para sa kanilang kaligtasan.