dzme1530.ph

ALEX GONZAGA, ISINILANG NA ANG KANYANG BABY BOY

Loading

Isinilang na ni Alex Gonzaga ang kanyang baby boy.
 
Kinumpirma ito ng kanyang ina na si Pinty Gonzaga, subalit wala nang ibinigay na iba pang detalye.
 
Noong Martes ay nag-share ng update si Alex sa kanyang pregnancy journey sa kanyang social media accounts, kasama ang ilang litrato mula sa maternity shoot nila ng mister na si Mikee Morada.
 
Sa caption, inihayag ng aktres ang heartfelt message para sa kanyang anak at pasasalamat sa Panginoon sa magandang biyaya.
 
Una nang inanunsyo nina Alex at Mikee ang kanilang pregnancy noong Mayo, halos anim na taon matapos silang ikasal.
 
Sa naturang mga taon, dumanas ang mag-asawa ng tatlong pregnancy losses subalit hindi sila nawalan ng pananampalataya at isinuko ang lahat sa Panginoon.

About The Author