dzme1530.ph

NAKAANTABAY ANG MDRRMO AT BARANGAY RESCUE TEAM SA CABANGAN ZAMBALES LABAN SA BANTA NG PAG-APAW NG TULAY

Loading

Cabangan, Zambales – Nakaantabay ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Cabangan, Zambales kasama ang Barangay Rescue Team ng Sitio Sapang Bato, Barangay Mabanglit, upang harapin ang banta ng pag-apaw ng tulay sa National Highway na maaaring magdulot ng matagal na pagkastranded ng mga sasakyang manggagaling sa south at north parts ng lalawigan.
 
Ayon sa pamunuan ng MDRRMO Cabangan, patuloy ang pagbabantay ng kanilang mga tauhan sa naturang tulay partikular na sa oras ng malakas na pag-ulan at pagtaas ng tubig sa mga ilog na dumadaloy sa nasabing lugar.
 
Samantala, nanawagan ang mga awtoridad sa mga motorista na maging mapagmatyag at sumunod sa mga abiso mula sa pamahalaang lokal upang maiwasan ang aksidente at matiyak ang kaligtasan ng lahat.
 
Patuloy namang minomonitor ng Pamahalaang Bayan ng Cabangan ang lagay ng panahon at ang lebel ng tubig sa mga ilog upang agad na makapaglabas ng babala sakaling lumala ang banta ng pag-apaw ng tulay sa National Highway.

About The Author