![]()
Inaasahang tatagal hanggang nitong weekend ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Benison Estrajera, bunsod pa rin ito ng epekto ng habagat.
Samantala, pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang low pressure area na posibleng mabuo bilang tropical cyclone at tatawaging Pilandok.
Tumatahak ang LPA patungong Taiwan at maliit naman ang tsansa na mag-landfall.
Sa kabila nito, sinabi ni Estareja na palalakasin ng LPA ang habagat.
Posibleng anyang tumagal ang epekto ng habagat hanggang sa susunod na buwan.