dzme1530.ph

LUMP SUMS SA PANUKALANG 2027 NATIONAL BUDGET, KINUWESTYON NI SEN. PING LACSON

Loading

Kinuwestyon ni Senator Panfilo Lacson ang lump sums sa panukalang Year 2027 national budget.
 
Partikular na rito ang nakalaan para sa pagpapagawa ng evacuation centers.
 
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance, tinukoy ni Lacson ang 180 million pesos na inilaan para sa pagpapagawa ng evacuation centers sa 17 rehiyon subalit walang specific na detalye tulad ng kung saang bayan at kung bakit din pare-pareho ang halaga.
 
Tanong ni Lacson kung paanong nasabi ni Budget Secretary Kim Robert De Leon na execution-ready ang panukalang 2027 national budget.
 
Napansin ni Lacson ang lump sums na 100 million pesos para sa mga proyekto na walang detalye kaya tanong niya kung bakit ito pinayagan ng Development Budget Coordinating Committee o DBCC.
 
Ipinaliwanag naman ni De Leon na kailangan pa ring magsumite ng mga ahensya sa DBM ng pinal na detalye bago maipatupad ang alokasyon at kailangan pa ring tapusin ng Office of Civil Defense ang listahan, pero ayon kay Lacson, dapat meron na ng ganitong impormasyon habang binabalangkas ang panukalang budget.

About The Author