![]()
TINAWAG ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano bilang paulit-ulit na fake news ang mga paratang na may katiwalian sa mga proyekto sa Laguna Lake na saklaw ng Taguig City.
Aminado si Cayetano na nasasaktan ang kanyang maybahay na si Taguig City Mayor Lani Cayetano at maging ang 1.3 milyong Taguigenos.
Tiniyak ng senador na welcome sa Taguig ang anumang imbestigasyon at ipapasyal pa aniya nila sa kanilang Lakeshore ang mga nagpaparatang ng katiwalian.
Sinabi ni Cayetano na handa silang samahan ang mga nagpaparatang dahil baka mali lang natanggap na sumbong o nabubulagan sa galit.
Walang tinukoy o pinangalanang personalidad si Cayetano subalit sa mga nakalipas na linggo, si Senador Panfilo Lacson ang naghahayag ng mga umano’y kwestyonableng proyekto sa Taguig.
