dzme1530.ph

LA SALLE GREEN HILLS, NABIKTIMA RIN NG SECURITY CONCERN, NAGPATUPAD NG ONLINE CLASSES

Loading

Nagpatupad ng online classes ang La Salle Green Hills ngayong araw ng Huwebes hanggang bukas bilang precautionary measure kasunod ng security concern na natanggap nila kagabi.
 
Sa pahayag ng paaralan, hindi pa nila matukoy ang pinagmulan ng security concern.
 
Ipinaliwanag ng school administrator na dahil gabi na nila natanggap ang security concern ay hindi na nila nakumpleto agad ang safety protocols at on-site investigation bago magsimula ang klase ngayong araw na ito.
 
Binigyang-diin ng pamunuan na prayoridad nila ang proteksyon at peace of mind ng mga estudyante at kanilang pamilya.
 
Pinasalamatan naman ng school administration ang mga magulang at buong komunidad sa pang-unawa, tiwala at kooperasyon.

About The Author