dzme1530.ph

MGA SOCIAL MEDIA PLATFORMS NA MABIBIGONG IPATUPAD ANG COMMUNITY STANDARDS LABAN SA GRAPHIC AT VIOLENT CONTENT, DAPAT PAGMULTAHIN NG MILYONG-MILYONG PISO

Loading

Milyon-milyong pisong multa ang nais ipataw ni Senador Erwin Tulfo sa mga social media platforms na mabibigong ipatupad ang sarili nilang community standards laban sa graphic at violent content.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Tulfo na 18 senador na ang nagpahayag ng pagsuporta sa kanyang panukala.
 
Iginiit ng mambabatas na mahalaga ang paghihigpit sa mga content na nakikita sa mga social media platforms dahil nakakaapekto ito sa ugali at kilos ng kabataan.

About The Author