dzme1530.ph

MAS MALAKING PONDO NG LGUs, INAASAHAN SA PAGPALO NG NATIONAL TAX ALLOTMENT SA 1.4 TRILLION PESOS SA 2027, AYON KAY EXECUTIVE SEC. RECTO

Loading

Inaasahang makatatanggap ang Local Government Units (LGUs) ng mas malaking pondo sa susunod na taon dahil tinatayang aabot sa 1.4 trillion pesos ang National Tax Allotment (NTA) sa 2027.
 
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ang projected figure para sa susunod na taon ay 11% na mas mataas mula sa kasalukuyang lebel, kung saan ang mga LGU sa Luzon lamang ay tumatanggap ng 676.9 billion pesos.
 
Bukod dito, pumalo ang Local Government Support Fund sa record na 57 billion pesos ngayong taon para mapondohan ang mahalagang local infrastructure, kabilang ang water systems, farm-to-market roads, health centers, at multi-purpose facilities, na may proposed 2027 budget na tinaya sa 58.53 billion pesos.
 
Hiling ni Recto sa mga LGU, gamitin ng tama at maayos ang pondo para sa taumbayan.

About The Author