dzme1530.ph

COA, HINIMOK NA MAGLABAS NA NG FINAL RULING KAUGNAY SA IMBESTIGASYON SA PAGGAMIT NG CONFIDENTIAL FUND NI VP SARA DUTERTE

Loading

HINIMOK ni Senator Judge Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri ang Commission on Audit na maglabas na ng final findings kaugnay sa isinasagawa nilang imbestigasyon sa paggamit ni Vice President Sara Duterte ng confidential fund ng kanyang mga tanggapan.
 
Sa kanyang manifestation sa impeachment hearing, sinabi ni Zubiri na mas makatutulong sa pagtalakay at pagdedesisyon ng mga senator judges kung magkakaroon na ng final ruling ang COA.
 
Ipinaliwanag ni Zubiri na nahihirapan ding makakuha ng specific na sagot sa mga testigo dahil sa nakapending na motion for reconsideration ng OVP sa COA kaugnay sa notice for disallowance.
 
Iginiit ng senator judge na ang COA ang final arbiter sa usapin ng posibleng iregularidad sa paggamit ng pondo ng mga ahensya ng gobyerno.
 
Ipinaliwanag naman ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero na independent constitutional commission ang COA kaya’t hindi nila ito maoobligang sumunod sa kanilang kagustuhan.
 
Nilinaw naman ni Zubiri na apela ang kanyang manifestation para lamang mas maging mabilis ang pagtalakay sa isyu ng confidential fund.
 
Narito ang bahagi ng pahayag ni Senator Judge Juan Miguel Migz Zubiri.

About The Author